Monday, November 21, 2016

Death Penalty

Si Leo Echegaray ang isa sa mga Pilipino na
kinatay sa ilalim ng death penalty law.

 
ALAM MO bang si Hesu Kristo ay biktima ng death penalty?

Si Hesu Kristo, kasama ang dalawang magnanakaw na pinangalanang  sina Dismas at Hestas, ay tinorture muna bago ipinako sa krus at hinayaang mamatay.

Karumaldumal?

Pero, ayon kay Manny Pacquiao, sa kanyang unang talumpati bilang nahalal na Senador, sang-ayon ang Diyos niya sa pagpatay. Aniya, pwedeng patayuin sa bangko ang isang detenado, talian ng lubid sa leeg at pagkaraan ay sipain ang bangko upang masakal hanggang mamatay ang bilanggo.

Thursday, November 17, 2016

Extra Judicial Killings

Image result for extra judicial killings imageKung may 2016 Words of the Year, maituturing na pangunahing kandidato ang Extra Judicial Killings, na ang ibig sabihin ay pagpatay sa isang tao ng mga nasa kapangyarihan (tulad ng pulis o sundalo) na walang legal na proseso.

Karaniwang target ng Extra Judicial Killings o EJK ang kalabang politiko ng mga nasa kapangyarihan, trade union leaders, religious leaders o mga kilalang tao sa lipunan pero kalaban ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, ang EJK ay nakakabit sa giyera kontra droga ng Pamahalaang Rodrigo Duterte-Bongbong Marcos. Dati o noong panahon ni Ferdinand Marcos, ang EJK ay nakatutok sa mga aktibistang kalaban ng diktadura.

Tuesday, November 15, 2016

Kasama ka bang malilibing sa LNMB?

Image result for ferdinand Marcos image
MINSAN habang binabagtas ng sinasakyan kong jeepney ang kahabaan Quezon Avenue ay napaisip ako at natanong sa sarili kung ano ang sumasagi sa isipan ng mga kasabay ko kapag naririnig nila ang balita ukol sa paglilibing sa diktador at human rights violator.

Sa araw-araw na pakikipagtagisan sa kapalaran, pagkimi sa galit na dulot ng napakabigat na trapiko, hindi tumataas na sweldo, mga problema sa bahay, trabaho at maging sa love life, nakakabuo pa kaya sila ng opinyon ukol sa paglilibing kay McCoy sa Libingan ng mga Bayani (LNMB)?

Naiisip pa ba nila kung tama ang sinasabi ng mga anak ni McCoy na mag-move on na tayo at ilibing na sa LNMB ang diktador? Dahil anila, hindi naman ililibing si McCoy bilang bayani kungdi bilang isang sundalo.

Friday, October 24, 2014

Politically motivated

Ano ba ang ibig sabihin ni Vice President Jejomar Binay at ng kaniyang mga kaalyado na ang imbestigasyon sa kanyang tagong yaman ay "politically motivated"?

Dahil kung ako ang tatanungin, wala namang masama kung politics ang motibasyon dahil maraming bagay na ang motibasyon kaya isinusulong ay politics kaya nga may tinatawag na politically motivated arts, politically motivated movies, politically motivated food, politically motivated rallies, politically motivated fashion, politically motivated writings, politically motivated nudity at dito sa Pilipinas marami ang matatawag na politically motivated fools.

Isang example ng politically motivated art ay ang larawang nasa bandang kanan. Ang poster na ito ay hango sa "obey" print ni Shepard Fairey at pinalitan ni Andraw Lowe ng larawan ni Chinese artist and activist na si Ai Weiwei. Pinalitan din ni Lowe ang mensahe na kaysa "Obey" ay Chinese characters para sa "love the future" ang mababasa.

Thursday, October 16, 2014

Misery loves company

Sa edad na 71, nagiging makakalilimutin na ba si Vice President Jejomar Binay?

Naitanong ko ito dahil tila nakalimutan na ni VP Binay kung paano nanilbihan si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo at ngayon ay mas pinapaboran pa niya ang dating pangulong humaharap ngayon sa sandamakmak na kaso ng pandarambong.

Nakalimutan na ba ni Vice President kung paano kinurakot ni GMA ang kaban ng pamahalaan at gumawa ng pera sa pakikipagsabwatan sa mga Intsik na nakipagkontrata sa pamahalaan?


Vice President Binay, hayaan po ninyong tulungan ko kayong  maalala ang mga "himalang" nangyari noong panahon ni GMA. 

Thursday, May 29, 2014

Listahan


Dati ang alam ko lang na listahan ay Schindler's list, Bucket list at kadalasan ay listahan sa sari-sari store ni Aling Pasing.

Sumikat atng Schindler's list, isang pelikula ukol sa mga iniligtas na Hudyo ni Oskar Schindler noong World War II.

Ang bucket list naman ay sumikat dahil sa pelikulang pinagbidahan nila Jack Nicholson at Morgan Freeman.

Ang listahan ni Aling Pasing ay kadalasang humahaba bago ang akinse at katapusan ng buwan at nababawasan kada sweldo.

Pero ngayon mas sikat ang Ping's List, Benhur List at siyempre ang Napolist.

Sa totoo lang wala namang Benhur list dahil wala namang listahang ginawa si Benhur kungdi nagbigay siya ng hard drive sa Inquirer at ginamit itong basehan para gawaing basehan ng mga istorya na kanilang iniimprenta.

Wednesday, February 26, 2014

Burma, pag-ibig at katarungan

Sayar Wai Min (left) was my interpreter
all throughout the entire school term and during
the school ceremonies. 
Mahabang panahon din akong hindi nakapagsulat sa blog na ito. Ang dahilan ay nakapokus ako sa aking seven-month stay sa isang paaralan malapit sa border ng Burma at Thailand kung saan naging bahagi ako ng isang political school bilang academic coordinator at political science teacher.

Isang karanasan ito na hindi ko malilimutan. Marami akong natutunan. Sa tingin ko nga mas marami akong natutunan kaysa sa aking mga istudyante lalong lalo na sa Burmese culture dahil lahat ng aking istudyante ay mula sa Burma-Myanmar. Mga kabataang naglalayong palayain ang kanilang bansa mula sa military junta na 50 dekadang naghahari sa bansang ito.

Nagtapos ang aking pitong buwang pakikisalamuha bilang learning facilitator sa paaralang ito nitong Enero 31. At nais kong ibahagi ang aking maikling talumpating inilahad sa closing ceremonies ng paaralan.

Monday, July 1, 2013

Mae Sot Sojourn


MAE SOT - Mae Sot in Thailand's Tak province will be my home for the next few months.

I will be teaching at the Democratic Party for New Society (DPNS) school, which was organized to educate young Burmese cadre who are working to bring genuine change in their country.

The students are taught basic English, Burmese history, computer literacy and political science, which I am teaching to 31 students from different parts of Burma.

Thursday, May 16, 2013

Senado, magliliwanag kay Nancy Binay?

Vice President Jejomar Binay with Senator Nancy Binay in
during one of the sorties during the 2013 midterm elections.
NAPANAOOD ko kamakailan ang interview kay Nancy Binay, na siguradong makakapasok sa Senado, na kung saan sinabi niyang halos "racist" na ang patutsada sa kanya sa social media.

Ang sabi nga ni Nancy ay hindi tama na pagdiskitahan ang kanyang kulay dahil karamihan ng mga Pinoy ay ganito ang anyo, kung hindi morena ay mala-kape ang kulay.

Sabi nga nila ay "Black is beautiful."

Ani Nancy ay nasasaktan na siya sa mga "birong" nakabase sa kanyang mala-kapeng kutis, gayundin sa mga patutsada sa kanyang kakayahan na maging bahagi ng kapitapitagang Senado.

Monday, April 8, 2013

Holiday ba ngayon?


Bukas, April 9 ay ipagdiriwang ang Araw ng Kagitingan, na kung kailan ginugunita rin ang ipinamalas na kabayanihan ng mga Pillipino noong sinakop tayo ng mga Hapon.

Ang April 9 ay ang pang-apat na Regular Holiday sa bansa, na sa 2013 ay kalimitang bumagsak sa kalagitnaan ng linggo kaya't bihira ang tinatawag na "long weekend".

Para makapag-plano tayo sa ating mga bakasyon, narito ang itinakdang working at non-working holidays para sa 2013.

Enjoy!!!

Thursday, March 14, 2013

Q&A on Sabah Issue

Photo from gmanews.tv
To better understand the Sabah issue, this blog is publishing a paper writtern by Tomasito Villarin, currently serving as Office of Political Affairs undersecretary. Villarin is a graduate of University of Santo Tomas (UST) and Asian Institute of Management (AIM). He hails from Mindanao, where he served for several decades as a development worker.


Where is Sabah?

Sabah is located southwest of Tawi-Tawi, the last island province of the Philippines. It forms part of the larger island of Borneo. Sabah is one of the 13 member states of Malaysia, and is its easternmost state. It is located on the northern portion of the island of Borneo. It is the second largest state in Malaysia after Sarawak, which it borders on its southwest. It also shares a border with the province of East Kalimantan of Indonesia in the south. The capital of Sabah is Kota Kinabalu, formerly known as Jesselton.


Tuesday, March 12, 2013

2013 May elections partylist list



Ngayong Mayo ay muli susugod ang mga botante sa mga voting precinct upang iboto ang partylist na kakatawan sa kani-kanilang mga adbokasya.

Upang mabigyan ang mga botante ng ideya kung ano-anong mga partylist ang naaprubahan ng Comelec para sa darating na halalan ay nag-research ang walalang.com kung ano-anong mga partido ang kalahok. 

May mga naisama ang Comelec sa raffle ng numero para sa balota na kanilang tinanggal at may mga partylist na magpahangga ngayon ay naghihintay pa ng desisyon mula sa Supreme Court kung sila ay kasama sa halalan.

Narito ang listahan ng mga kalahok:

Wednesday, March 6, 2013

Descanse en Paz, Comandante Hugo Chávez



"I'll miss Hugo. When I first was introduced to him in Porto Alegre in 2003, he greeted me, "Mi padre," and said he learned a lot from me. I was dubious about this and thought he was simply buttering me up, like any two-bit politician. Then he started telling me what he learned from "Development Debacle," "Deglobalization," and "Dark Victory." I was stupefied; the guy actually read my stuff! Three years later, during the World Social Forum in Caracas, he asked me in public what I thought about what was happening in Venezuela. I took the occasion to criticize the fact that his government went back on its promise not to sign the Declaration of the World Trade Organization Ministerial Meeting in Hong Kong in December 2005, which would have led to the third collapse of a WTO ministerial, one that would have been the last nail in the coffin of that organization. "As a revolutionary, you can't go back on your word," I said. He was silent, but that was the last time I got invited to Caracas. The guy was great, but he could not take criticism. But I didn't take that personally since nobody could kick the US in the ass like he did. He did and got away with what we all wanted to do, and he entertained us in the process, with unparalleled humor. But more than that: he fought fiercely for the poor and marginalized, not only in Venezuela but in the world. Goodbye, Comandante Hugo. Wherever you are, give 'em hell." - Akbayan Rep. Walden Bello on Comandante Hugo Chavez.

Sunday, February 3, 2013

Demokrasya



Ayon sa Wikipedia ang demokrasya "is a form of government in which all eligible citizens have an equal say in the decisions that affect their lives. Democracy allows eligible citizens to participate equally—either directly or through elected representatives—in the proposal, development, and creation of laws. It encompasses social, economic and cultural conditions that enable the free and equal practice of political self-determination."

Sa ganitong description ng demokrasya, kapansin-pansin ang karapatang ipinapataw sa mga mamamayan na pantay-pantay na lumahok hindi lamang sa halalan kungdi maging sa pagbuo ng mga batas.

Kung ganito ang pagsasalarawan sa demokrasya, masasabi ba nating may demokrasya sa Pilipinas?

Sunday, January 27, 2013

Culture of impunity, dahilan ng mabigat na trapiko



Isa ang Metro Manila sa pinakapeligrosong lugar sa buong mundo kung ang pag-uusapan ay ang pagmamaneho at paglalakad sa kalye.

Marami nang nagawang pag-aaral upang mapaganda ang kalagayan ng trapiko sa lansangan ng Metro Manila at upang maging ligtas ang mga kalye para sa motorista at pedestrians.

Bagamat may ginagawa ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang mapaganda ang ating mga lansangan at maging pedestrian-friendly ang mga kalye, hindi ito sapat.

Thursday, January 24, 2013

"Zombie" ba ni GMA ang mga Enrile?


Naging matindi ang bangayan ni Sen. Peter Cayetano at ni Senate president Juan Ponce Enrile na nag-ugat sa "Christmas" gift na ipinamudmod ng huli sa kanyang mga kasamahan sa Senado.

Hindi lamang naungkat ang hidwaan sa pagitan ng dalawa kungdi maging sa ginagampanang papel ng chief of staff ni Enrile na si Jessica "Gigi" Reyes, na ayon sa mga balita ay ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Manong Johnny at ang kanyang asawa.

Pero hindi na bago ang balitang ito, matagal na itong pinagpiyestahan.

Wednesday, January 16, 2013

Kapos sa creativity mga early political ads

Narito na naman ang isa sa pinakahihintay na panahon ng mga Pinoy. Hindi ito pasko, pasko ng pagkabuhay o kaya'y Araw ng mga Patay kungdi ang pinakananabikang halalan!

Katunayan, opisyal na nagsimula ang election season nitong Enero 13 na magwawakas sa June 12, kung kailan inaasahang nai-deklara na ng Comelec ang mag nagsipagwagi sa tinatawag na mid-term elections sa Mayo 13.

Dahil nasa panahon na tayo ng halalan, asahan natin ang mga political ads o commercials. Ito ay maaaring sa telebisyon, radyo at dyaryo.

Nariyan din ang mga naglipanang sasakyang may trompa at nagpapatugtog ng mga campaign jingles. At siyempre, nariyan din ang pagdikit ng mga campaign posters sa iba't ibang pader sa kapuluan. Katunayan, maging mga puno ay hindi pinaligtas at ginagamit upang makapagdikit ng mga campaign posters.

Pero siyempre, ang pinakahihintay natin ay ang mga commercials. Sino ba naman ang makakalimot sa commercial ni Sen. Manny Villar, na nagsabing siya raw ay lumangoy sa ilog ng kahirapan. Dami niyang napabilib. Kaso napatunayang peke ang kanyang pagiging mahirap at siya ay pinulot sa kangkungan.

Pinagsama-sama ko ang mga commercials ng mga kandidato sa pagkasenado hindi upang atin silang husgahan na maagang nangangampanya kungdi upang makita kung gaano ka-creative ang kanilang mga handlers

Saturday, January 5, 2013

Sablay

Akbayan Rep. Kaka Bag-ao
Pinagpipiyestahan ngayon ang diumano'y nakakaintrigang pagtanggap ni Akbayan Rep. Kaka Bag-ao ng responsibilidad bilang "caretaker" sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) na allocated para sa Dinagat Island Province.

Unang intrigang sablay ay bakit daw si Rep. Bag-ao ang itinalagang caretaker kapalit ng nagtatagong congressman na si Ruben Ecleo Jr.

Ayon sa Inquirer.net report:


"Ecleo was removed from the list of members of the House of Representatives after the Supreme Court affirmed the Sandiganbayan’s guilty verdict on Ecleo for his role in irregularities in several infrastructure projects in San Jose, Surigao del Norte, where he served as mayor from 1991 to 1994.
He was sentenced to 18-31 years in prison and ordered to pay P2.8 million to the government.
Ecleo, a wanted man with a large bounty on his head, was also convicted last April of killing his young wife in 2002. He took over the cult, the Philippine Benevolent Missionaries Association Inc., founded by his father, after the latter died in 1987."

Tuesday, January 1, 2013

2013

Now that 2012 is behind us, maybe we could put the year's top song - Gangnam Style - behind us too. Nakakarindi na!!!


Pero kung babalikan ang 2012, ano ba ang mahahalagang pangyayari na hindi maalis sa isip mo na parang Last Song Syndrome (LSS)?

Tuesday, December 18, 2012

Pasado, Panalo, Milagro

"Wind of change," ika nga ng glam rock group na Scorpions.

Pagbabagong maganda, pagbabagong nagbibigay ng pag-asa. Ang tinutukoy ko ay ang pagsasabatas ng Reproductive Health Bill o RH Bill.

Siyempre, tulad ng lahat ng bago, hindi pa natin alam kung paano ang epekto nito sa ating bansa. Ang punto ay kinikilala ng batas ang karapatan ng mga kababaihan at pamilya na makapagplano. Maitakda ang laki ng pamilya upang mabigyan ng mas may kalidad na buhay ang mga Pilipino.

Sa pagsasabatas ng RH Bill, ilang bagay na matagal na nating alam ang makatotohanang tumambad sa sambayanan.

Una. Lalong gumuho ang kapit ng Katolikong simbahan sa "moralidad" ng mga Pilipino.

Hindi na takot ang mga Pilipino sa sasabihin ng mga Obispo at sa darating na panahon, sa tingin ko ay unti-unti pang guguho ang kapit ng mga "kleriko pasista" sa isipin ng mga Pinoy.

Thursday, December 13, 2012

Regalo

Nagmula ang larawan sa site na ito.
Hindi man ako masyadong solved sa ideya ng pasko, sa tingin ko maganda na ring isiping may magandang paskong naghihintay para sa mga Pilipino.

May ilang magagandang balitang puwedeng i-cross out sa ating listahan ng mga regalong gustong matanggap.

Para sa akin ang mga regalong ito ay hindi ang mga gadgets, bagong damit, bagong furniture o electronics na tradisyunal na pinag-iimbutang makuha ng mga pangakaraniwang Pinoy kapag dumarating ang Christmas season.

So ano ang mga regalong ito?


Wednesday, December 5, 2012

Safe and satisfying sex

Sen. Chiz Escudero
Naging tampok na usapan ang balitaktakan nila Sen. Pia Cayetano at Sen. Chiz Escudero ukol sa Reproductive Health Bill.

Dahil kasi baliktaktakang ito ay may ilang bagay na tumambad sa publiko ukol sa pananaw sa sex ni Chiz, na hiwalay sa asawa at kasalukuyang may relasyon sa batang-batang sexy star na si Heart Evangelista.

Sa totoo lang, marami ang nagiging emosyonal kapag napag-uusapan ang Chiz-Heart tandem. Marami kasi ang nakakaalala sa kanilang mga ama kapag nakikita sina Chiz at Heart.

Saturday, December 1, 2012

Katotohang liko at si Rizal


Aminin nating marami tayong matutunan kay Jose Rizal, naging bayani man siya o hindi. 

Kung babasahin natin ang kanyang libro  at mga liham kung kani-kanino, may matutunan tayo sa kasaysayan, ideyolohiya at maging sa pagpapakabanal.

Sabi nga ni Jose sa kanyang sulat sa mga kababaihan ng Malolos: "Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari."

At ganito nga ang ginawa ni Rizal.

Wednesday, November 21, 2012

Sin Tax, Text Tax

Ang magandang balita. Nakapasa na sa Senado ang Sin Tax bill. Kasunod na nito ang bicameral meeting sa pagitan ng Senado at Kongreso upang mapagsama nag kanilang mga panukalang batas.

Tinatayang halos P40 billion ang kikitain ng panibagong sin tax bill para sa pamahalaan.

Pero sa tantiya ko ay maliit pa rin ang halaga ng tax na ipapataw sa sigarilyo at sa alak.

Dapat ay yong tipong, kapag bumili ng yosi ay masasaktan ang bibili. Ganito rin dapat sa mga alcoholic beverages.

Saturday, November 17, 2012

Liham

Maliban sa  mga all-time hits na  El Filibusterismo at Noli Me Tangere, ano ang paborito mong isinulat ni Jose Rizal?

Ang dalawang nobelang ito ang nagpa-init sa rebolusyong pinamunuan ni Andres Bonifacio bilang Supremo ng Kagalang-galang Kataas-taasan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK).

Bagamat hindi nakasama si Jose sa rebolusyong ipinaglaban ng KKK, naging simbolo naman siya sa laban kontra sa mga mananakop na Kastila. Pinaalab pa ng pagpatay kay Rizal sa Bagumbayan ang rebolusyon.


Sa mga paaralan ay pinag-aaralan ang dalawang nobela ni Rizal. Pero hindi batid ng lahat na may sulat si Jose na nagpaalab din ng himagsikan laban sa Katoliko Romano at Kastila.

Monday, November 12, 2012

May multiple personality disorder ba si Tito Sen?




Magaling na artista, pulpol na senador!

Ganito ang description ng isang kaibigan tungkol kay Sen. Tito Sotto.

Pero kung ako ang tatanungin. Sa tingin ko ay dapat na kaawaan kaysa laitin itong si Tito Sen.

Bakit?

Tila kasi hindi na napaghiwalay ni Tito Sen ang iba't ibang personalidad na kanyang kinatawan.

Nalimutan ni Tito Sen na ang pagiging komedyante ay sa television lang at sa pinilakang tabing.

Hindi dapat isinasama ang pagiging komedyante sa pagiging Senador. May hangganan din naman kasi ang pagiging komiko at alam ito ng mga Pilipino.

Tuesday, November 6, 2012

Bonifacio, ang tunay na supremo

Isa sa paborito kong tula ay ang Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio.

Natural na naaalala ko ito pagdating ng Nobyembre dahil kada a-30 ng buwang ito ay ginugunita ang pagsilang ng itinuturing na Ama ng Himagsikang Pilipino.

"Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.'

Ito ang unang linya sa tulang ito, na kung hindi ako nagkakamali ay inaawit ng Inang Laya at maging ni Noel Cabangon.

Malungkot ang pagkakaawit ng Inang Laya sa tulang ito ng kinikilala nating Supremo. Kasing lungkot ito kung paano nagwakas ang buhay ni Bonifacio sa kamay ng mga traydor sa rebolusyong pinamunuan ni Emilio Aguinaldo, na kinikilala ng maraming historians bilang isa sa numero unong makapili sa kasaysayan ng rebolusyon at Pilipinas. 

Friday, October 12, 2012

Ralphboro o Ralphmorris?

Isa sa mga kilalang lansangan sa Pilipinas ay ang Claro M. Recto St. sa Lungsod ng Maynila. Ito ay nagsisimula sa paanan ng Mendiola Bridge at ang hangganan ay Pier kung saan nagwawakas ang Pasig River.

Maliban sa Maynila may mga lansangan ding pinangalanang Claro M. Recto Avenue sa Davao at Cagayan de Oro, gayundin sa Lipa City. May Claro M. Recto Highway naman sa Angeles City at may Claro M. Recto St. sa Malaybalay City.

Base sa dami ng mga lansangan ipinangalan sa kanya, masasabing kinikilala si Claro M. Recto.
Sino ba si Claro M. Recto?

Si Recto ay nakilala bilang isa sa mga makamamayang abogado, senador at guro.

Kasama siya sa nagsulong upang maigupo ang  Hare-Hawes-Cutting Act, na nagbibigay sa Estados Unidos ng karapatang mapanatili ang mga base nila sa ating bansa na walang "time frame".

Sunday, October 7, 2012

Demand peace

“If everyone demanded peace instead of another television set, then there'd be peace.” 
― John Lennon

Naalala ko si John Lennon matapos mabasa ang balita ukol sa pagkakasundo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng Philippine government ukol sa isang kasunduang nawa'y tuluyang tatapos sa mga hidwaan sa Mindanao.

Sang-ayon ako sa kasunduang ito at saludo ako sa MILF dahil hindi sila nag-insist na ibalik sa kanila ang lahat ng kapangyarihang inagaw ng mga Amerikanong nag-annex sa kanilang mga lugar upang maging bahagi ng Pilipinas.

Tandaan nating hindi lubusang nasakop ng mga Kastila ang "Moro land". Bagamat nagtayo sila doon ng mga kuta upang maipakitang mayroon silang kontrol

Subalit iba ang ginawa ng mga Amerikano, marahil ay nakita nila kung paano kasagana ang lupain ng mga Moro, ay isinama ang Mindanao sa Pilipinas. Nito lamang matapos ang ikalawang digmaang pangdaigdig lubusang nasakop ng mga Amerikano at mga galamay nitong mga Pilipino ang kabuuan ng Mindanao.

Matatandaan na sumikat ang tinatawag na "juramentado" nooong panahon na sinusubukang makubkob  ng mga Kano ang mga lugar na hindi pa lubusang nasakop ng imperial USA. Ilang libong Moro rin ang nagbuwis ng buhay upang mapanatili nila ang kanilang lupain.

Pero nagbago na nga ang panahon. Hindi na rin lubusang maibabalik ang nakaraan kaya't kailangang magkaroon ng kasunduang nakabase sa kasalukuyang kalagayang panlipunan at ekonomiya.

Sana ay magtuloy-tuloy na ang biyahe para sa tunay na kapayapaan sa Mindanao. Ang kasunduan kasi ay simula pa lamang ng mahabang diskusyon kung paano maisasakatuparan ang mga napagkasunduan.

Friday, September 28, 2012

Short stories from Vimeo



Mahilig ako sa short films at habang nagse-surf sa vimeo, natalisod ko ang mga short films na ito.

Ang dalawang unang short films ay kasama sa mga promotional videos ng Red Giant. Ang ikatlo at huli naman ay isang animation.

Sana ay magustuhan ninyo.

Sunday, September 9, 2012

1081

Ngayong Setyembre, may lotto tip ako sa inyo. Tayaan ninyo ang mga numerong 10, 8 at 1. Puwede itong tayaan sa EZ2 o kaya ay sa Swertres.

Malay ninyo, sa mga numerong ito ay inyong matikman ang swerteng matagal nang inaasam-asam at kahit paano ay mabawasan ang malas na hatid ng Proclamation 1081 ni Ferdinand Marcos, ang human right violator at dating pangulo ng bansa.

Sa Setyembre 21 kasi ay gugunitain ang mapait na deklarasyon ng Batas Militar. Ito ang ika-40 taon mula nang isailalim ni "Manong" ang Martial Law, na nagpasimula ng kanyang mahigit na 20 taong pananatili sa Malakanyang.

Tumpak ang sinabi ng mga historians, hindi lahat ay nagtatagal. Sino nga ba ang makapagsasabi na babagsak ang conjugal dictatorship ni FM at FL, nawalang iba kung si First Lady Imelda Marcos.

Bago kasi bumagsak ang diktadura ni Marcos ay halos kitang-kita at damang-dama na hawak nilang lahat ang kapangyarihan sa bansa. Natatandaan ko pa ang caption sa Daily Express na nagsasabing ang mga sundalo ay sumasaludo kay FM upang ipakita ang kanilang loyalty hindi sa constitution kungdi sa diktador.

Wednesday, August 1, 2012

'Wag kalimutan, 'wag patawarin


May mga nagsasabing maikli raw ng memorya ng mga Pilipino.

Tama naman. Sino pa ba ang nakakaalala na ginahasa ng mga Hapon ang Pilipinas noong Ikalawang Pangmundong Digmaan. At pagkatapos nila itong gawain, ipinadala natin ang ating mga kababayang sa Japan upang doon naman gahasain. Kaya na nauso ang mga salitang Japayuki at Hosto.

Monday, July 30, 2012

Isip mo berde

Pamilyar tayo sa salitang berde. Ito ay nagmula sa wikang Espanyol na Verde o Green sa English.

Maraming bagay ang associated sa salitang ito. Kapag sinabi nating kumakain tayo ng mga berdeng pagkain, ang ibig sabihin nito ay mahilig tayo sa gulay. May mga pagkakataon namang ang berde ay kaugnay ng ating kapaligiran o ng isang asosasyong nangangalaga sa kapaligiran tulad ng Greenpeace.

Minsan ang Berde ay kaugnay rin sa ating pag-iisip tulad ng kapag sinabihan kang   Green Minded ang ibig sabihin nito ay may kapilyuhan kang mag-isip.

Ang Green din ay associated sa Climate Change o sa mga pagkilos na may kaugnayan kung paano mapapangalagaan ang ating kapaligiran.

Pero alam ba ninyo na may isang Green na ang tinutukoy ay "commodification" o pagbebenta ng mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa kalikasan. Ang tawag dito ay "Green Economy".

Sunday, July 29, 2012

London Olympic fever

Maaaring ilan sa atin ang nagpuyat upang mapanood ang Opening ng 2012 London OLympic Games.

O di kaya'y sinusundan ang ilang piling atleta na kalahok sa iba't ibang sports events.

Ako naman iba. Naghanap ako ng mga video clips na magpapakita sa "spirit" of Olympics.

Narito sa ibaba ang ilan sa napili kong mga kakaibang videos.

London 2012 Olympic Opening Ceremony Timelapse Montage from Duncan McLean on Vimeo.


Monday, July 23, 2012

PNoy's 2012 SONA


Sa mga hindi nakapanood o nakapakinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Noynoy Aquino, narito ang kanyang talumpati.
State of the Nation Address
of
His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines
[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasan Pambansa Complex, Quezon City, on July 23, 2012]
Maraming salamat po. Maupo po tayong lahat.
Senate President Juan Ponce Enrile; Speaker Feliciano Belmonte; Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; ang ating mga kagalang-galang na mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga kagalang-galang na miyembro ng Kamara de Representante at ng Senado; mga pinuno ng pamahalaang lokal; mga miyembro ng ating Gabinete; mga unipormadong kasapi ng militar at kapulisan; mga kapwa kong nagseserbisyo sa taumbayan; at siyempre sa akin pong mga boss, magandang hapon po.

Sunday, July 22, 2012

May pag-asa pa

Mula sa New York Times ang larawan
Habang  binabasa ninyo ang artikulong ito ay malamang nakoronahan na si Bradley Wiggins, ang bago kong paboritong siklista mula sa Britain, bilang kampeon ng Tour de France.

Ang Tour de France ang pinakamahirap pero pinakaprestihiyoso sa tinatawag na Grand Tours. Kasama sa Grand Tours ang Giro d'Italia (Tour of Italy) at Vuelta a Espana (Tour of Spain). Kung sa Tennis ay may Grandslam, sa golf ay may Majors, sa cycling ay may Grand Tours.

Wednesday, July 18, 2012

Sobrang pagtambay, nakamamatay

Ayon sa isang research na inilathala ng The Lancet, na itinayming sa 2012 Olympcs na gaganapin sa London, lumalaki ang bilang ng mga namamatay sa buong mundo dahil sa sobrang pagtambay.

Base sa pananaliksik, halos katapat na ng paninigarilyo ang sakit na dumadapo sa milyon-milyong tao sa mundo dahil sa sobrang pagtambay.

Ito yong pagtambay na  tipong nakaupo lang, nanonood ng telebisyon o kaya'y sobrang tagal ng pag-upo. Kasama rin siyempre rito ang tagal ng pag-upo dahil nakababad sa harapan ng computer at nagla-like sa mga Facebook status.

Thursday, July 12, 2012

Pinakamagastos na pagkain sa mundo

Habang karamihan ng tao sa mundo ay salat sa pagkain, hindi naman maikakaila na maraming tao, lalo yong mga nasa Kanluran, ay sobra-sobra ang kinakain.

Narito ang isang infographic upang makita ang ilan sa pinakamahal na pagkain sa mundo. Nagmula sa visual.ly ang infographic.


Browse more Food infographics.

Monday, July 9, 2012

Nityalila, nakakahalina

Galing talaga ng internet. Habang nagba-browse ako minsan ay nadiskubre ko itong si Nityalila Saulo, isang Pinay musician.

Hindi ako pamilyar sa kasaysayan ni Nityalila bilang musikero pero na-inlove ako sa kanyang musika at sa kanyang matining na boses.

Makabuluhan din ang mga lyrics ng kanyang musika kaya't hindi ka lamang mapapaindak kungdi mahahalina pa.

Masasabi ring mapagbigay si Nityalila dahil puwedeng i-download ng libre ang kanyang mga awitin sa souncloud.com.

Narito ang isa sa aking mga paboritong awitin ni Nityalila.



Tuesday, June 19, 2012

Kapayapaan


Maniniwala ka bang mas mapayapa pa sa Vietnam kaysa sa Pilipinas? O kaya'y mas mapayapa pa sa Indonesia at Malaysia kaysa sa Pilipinas.

Sa inilabas na ulat ng Vision of Humanity, maging ang mga bansa sa Central America na dati'y binabagyo ng karahasan ay mas mapayapa pa ngayon kaysa sa Pilipinas.

Ayon sa 2012 Global Peace Index ng Vision of Humanity, ang Pilipinas ay nasa ika-133 sa lahat ng bansa sa mundong ito kung kapayapaan ang pag-uusapan.

Thursday, June 7, 2012

Kawehi sings songs by The Supreme and Maroon 5

Hindi ko alam kung natatandaan ninyo pa ang post ko regarding Kawehi, isang Asian musician na napaganda ng boses.

This time, she is singing The Supreme's Come See About Me and Maroon 5's Payphone. Watch and enjoy.

By the way, you can download some of her songs at http://soundcloud.com/kawehi

Ang Galing!!!


Come See About Me - The Supremes (Kawehi Cover @ Bar Lubitsch) from Kawehi on Vimeo.

Payphone (Maroon 5) - Kawehi from Kawehi on Vimeo.

Wednesday, June 6, 2012

Hula ni Lolo Indo, nagkatotoo

Mukhang magkakatotoo ang hula ni Lolo Indo, ang ama ng aking yumaong tatay.

Tila propetang sinabi niyang isang araw maging ang hangin ay bibilhin at babayaran natin.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Lolo noon. Ngunit ngayon naisip ko hindi naman lumaki si Lolo na may kuryente o kaya'y tubig na nagmumula sa giripo.

Noon kasi ay iniigib ang tubig at ito ay libre. Ang hangin ay libre. Pero ngayon, kapansin-pansin na kasamang ibinebenta ng mga property developers ang sariwang hangin sa mga dinedevelop na lugar o kaya'y ang malinis na tubig sa mga ilog o dagat kung saan matatagpuan ang kanilang mga dinidevelop na properties.

Wednesday, May 30, 2012

Iyakin

Iyakan blues sa balkonahe ng Korte Suprema.
Iyakin.

Ito ang ilan sa mga ibinibintang sa napatalsik na punong mahistrado ng korte suprema na si Renato Corona.

Ilang beses din kasing nagdrama itong si Corona mula noong ma-impeach.

May paiyak-iyak siya sa balkonahe ng Korte Suprema kasama ang kanyang asawa na nagpupunas sa kanyang mga luha.


Sunday, May 20, 2012

Gabuco, nagmina ng ginto sa Tsina

Ipinakita ni Gabuco ang kanyang gintong
medalyang napanalunan sa AIBA Women's
World Championships sa China.

Ipinakita ni Josie Gabuco na hindi na kailangang magmina sa Palawan upang magka-ginto tulad ng gusto ni Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) chair Manny Pangilinan.

Mag-uuwi ang tubong Puerto Princesa ng ginto medalya makaraaang malusutan ang Tsinong kalaban sa AIBA Women's World Championships finals na ginanap sa Olympics Sports Center sa Qinhungdao, China.

Tulad hirap sa pagmimina, pinagtrabahuhan nang husto ni Gabuco ang iuuwing ginto sa loob ng apat na rounds bago naitala ang 10-9 na panalo laban kay Xu Shiqi.

Thursday, May 17, 2012

CJ Corona: Wala akong aaminin

Sa Mayo 22, 2012 ay haharap si CJ Corona sa mga kapitapitagang impeachment court na pinapanganiwaan ni Senate President Juan Ponce Enrile, na kung hindi ako nagkakamali ay ang dating defense chief ng yumao at convicted human right abuser na si Ferdinand Marcos.

Napilitang humarap ni CJ sa impeachment court dahil kinagat ni Enrile ang hamon ng mga abogado niyang haharap si Corona kung haharap din sa korte ang mga nag-akusa na may milyong-milyong dollar account ang Punong Mahistrado.

Narito ang interview ng Wala Lang sa Punong Mahistrado sa nalalapit niyang pagharap sa impeachment court.

Friday, May 11, 2012

China back-off

Photo by Akbayan Party
Filipinos from different parts of the world demonstrated their unity and solidarity with one another as the global protest against Chinese incursions in Panatag Shoal kicks off today, Akbayan Party said on Friday in a press statement.

Organized by a coalition of different advocacy groups and social movements, the protest activity dubbed as the "global day of action against China's bullying in the West Philippine Sea", is the largest demonstration so far of different Filipino groups calling on the Chinese government to pull out of the Panatag shoal.

At the Chinese Consular Office in Makati, site of the Philippine protest, participants to the "global action" demanded China “to immediately pull out all of its sea vessels in the area" asserting that Panatag shoal is an integral part of Philippine territory.

Sunday, May 6, 2012

Pipi na bulag pa

"Ticket vending machine does not accept coins 2010 and 2011 series."

Ito ang dahilan kung bakit ang napakahaba ng pila sa Metro Rail Transit 2 (MRT2) na bumibiyahe mula sa Recto hanggang Santolan.

Hindi naman ako araw-araw sumasakay sa MRT2. Pero kada sasakay ako ay hindi nawawala ang problema ito.

Noong itinayo ang MRT2, nagtiis ang karamihan sa mga taga Metro Manila dahil sa trapik na idinulot nito.

Pero ngayong operational na ito. Nagtitiis pa rin ang sumasakay dito dahil sa haba ng pila upang makakuha ng magnetic ticket.

Tama ba 'yan?

Wednesday, May 2, 2012

Summer brew


Ano ang paborito mong pampalamig kapag tag-init?

Pangkaraniwang ang sagot diyan ay ice cream, halo-halo, samalamig.

May mga makabago ring floats, smoothies at kung ano-ano pa.

Pero sa isang coffee addict na tulad ko, siyempre ice coffee.

Dati ang ginagawa ko ay nagbu-brew muna ako ng kape tsaka ko ibinubuhos sa yelo. Instant pampalamig kasama ang hinahanap-hanap kong caffeine.

Pero nadiskubre ko ang video na nasa itaas at malaking tulong sa akin kung paano ako magbu-brew ng ice coffee.

Nang mapanood ko ang video ay nabanggit kong, "Bakit hindi ko ito naisip?"

Simple nga naman. Gamitin ang drip method sa brewing ng kape at diretsong padaluyin ang katas sa yelo.

Presto, freshly brewed ice coffee!!!

Bakit nga ba hindi ko ito naisip?

Friday, April 27, 2012

Gawang Putik


Putik!

Nababanggit natin ito kapag gusto nating magmura pero may mga matatanda o batang nasa paligid.

Pero may isang putik na mapapamura ka hindi dahil may nangyaring hindi kaaya-aya, kungdi dahil maganda.

Tulad ng larawan sa itaas na mula sa PutikMade, na nalikha sa pagtutulungan nina Cynthia Vargas at Jenniefr Friend, ang mga co-founder ng pottery line na nagsimula lamang sa taong ito.

Nakabase sa Los Angeles, California ang dalawa na lumilikha ng mga sisidlan moderno at simpleng ceramic vessels para sa mga halaman.

Kung baga, ang nililikha ng dalawa ay paso.

Pero dahil sa kakaibang ganda ng kanilang mga likha, na feature na sila sa La Times Home and GArden, Dwell Product Spotlight, Almost Grown LA, Design Sponge, The Blog of Lynne Door, Duly Noted, Bungalow5 at I am not a celebrity.

Narito pa ang isang halimbawa ng kanilang likha.



Putik! Ang ganda di ba?!