Wednesday, April 25, 2012

Musika mula sa kalikasan



Natalisod ko ang video na ito habang nagse-surf. Nilikha ni Diego Stocco ang video na ito bilang bahagi sa pagdiriwang ng Earth Day.

Si Diego Stocco ay isang sound designer at composer. Kung ano-anong mga musika ang kanyang nalilikha gamit ang kung ano-anong instrumento. Maliban sa paggamit sa kalikasan, lumilikha rin si Diego ng musika mula sa mga pangkaraniwang mga bagay na ginagamit natin araw-araw. Kung nais mong mapanood o mapakinggan ang mga nilikha ni Diego, puwedeng puntahan ang kanyang website dito.

Sunday, April 22, 2012

Kawehi's music


Found this video on Vimeo and I really enjoyed it. Just sharing with you Kawehi's  passion for music.

Friday, April 20, 2012

Ok fine, Doc Aga

OK Fine, kumandidato ka!!!
Hindi ko mapipigil si Aga Muhlach kung gusto niyang tumakbo bilang alkalde ng San Jose, Camarines Sur. Puwede rin niyang subukang maging kinatawan ng mga Bicolano sa Mababang Kapulungan.

Karapatan ni Aga na pumasok sa politika kahit ang kanyang background ay pagiging artista, mananayaw at singer. Ayon sa balita mula sa Inquirer, inilipat na ni Aga ang kanyang residency sa nasabing munisipyo, kung saan nagmula ang kanyang mga ninuno.

Ok fine, wala akong problema kung gusto niyang magsilbi sa bayang ito. Ang totoo ipaglalaban ko pa ang kanyang karapatang maging kandidato laban sa New People's Army (NPA) na naglipana sa Bicol at nagpapabayad sa tinatawag na Permit to Campaign na mas kilala rin bilang Permit to Win.

Wednesday, April 18, 2012

May matutunan si PNoy kay Cristina

Cristina Fernandez de Kirchner
Ayon sa survey bumaba ang satisfaction rating ni Pang. Noynoy Aquino dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis.

Hindi naman talaga tuluyang bumagsak ang satisfaction rating ni PNoy dahil pasado naman siya sa ibang larangan,  pero ang sinasabi ng rating ay tila walang ginagawa si PNoy sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Dahil dito, nais kong bigyan ng unsolicited advise si PNoy na gayahin niya si Cristina Fernandez de Kirchne, ang kasalukuyang babaeng pangulo ng Argentina, na nag-take over sa Repsol, ang Spanish oil company, upang masigurong mababa ang presyo ng langis sa kanilang bansa at ang kikitain sa pagmimina ng langis sa Argentina ay mapapakinabangan ng mga Argentinians.

Monday, April 16, 2012

Mata-Titanic ba ang Earth?


Dahil sa ika-100 taon ng paglubog ng Titanic nitong Abril 12, muling naging paksa sa media ang kinahinatnan nito. At muling tumabo sa takilya ang pelikula ni James Cameron na pinagbidahan nina Leonardo Dicaprio at Kate Winslet, pero sa pagkakataon ito ay mas high tech dahil ipinalabas ito sa 3D.

Sa totoo lang ay hindi ko pa napapanood ang pelikulang tumabo nang husto sa takilya sa buong mundo. Kung ano-anong record sa takilya ang binasag ng pelikula.

Pero ang blog na ito ay hindi ukol sa pelikula kungdi sa sinabi kamakailan ni James Cameron. Kamakailan kasi ay na-interview siya ng National Geographic at sinabing mismong ang ating mundo ay papunta sa isang trahedya na maikukumpar sa Titanic.

Sunday, April 15, 2012

Buuin ang bagong mundo


Nitong nakaraang Linggo ay inilunsad ang baong buong labor center na Sentro ng Progresibong Manggagawa o Sentro.

Medyo nakakatawa nga ang balita tungkol dito laluna ang isinulat ni Estrella Torres sa Business Mirror dahil nabanggit pa rito na nais lindolin ng mga manggagawa ang "Noynoying" ni Pang. Noynoy Aquino.

Nakakatawa dahil tila hindi alam ng writer na ang bansag na "Noynoying" ay pinasikat ng mga "Reaffirm" o ng mga grupong sumasampalataya pa rin kay Joma Sison at ang Kilusang Mayo Uno na kasama sa mga "Reaffirm" ay hindi kasama sa Sentro. Ano kaya ang naramdaman ng mga RAs na tila napag-iwanan na naman sila sa pansitan? Noynoying din ba ang tawag dito?

Friday, April 13, 2012

FDC to PNoy: Epira is the culprit for high power cost





The Freedom from Debt Coalition on Friday publicly released a letter addressed to President Benigno S. Aquino III.

Sa sulat na ito, itinuro ng FDC ang tunay na dahilan kung bakit mataas ang presyo ng kuryente sa bansa at pinanindigan ang pangangailangang gumamit ng "green energy" kaysa sa mga nakakabara ng baga tulad ng uling at diesel.

Hinimok din ng FDC na busisin ni Pinoy ang mga kontrata ng mga kumpanyang nagpapatakbo sa kuryente sa bansa, laluna na ang State Grid of China na nakipagkutsabaan kay Henry Sy upang makapagnegosyo sa Pilipinas.

Tuesday, April 10, 2012

spherikal



Parang psychedelic art na wala yong mga matitingkad na kulay.

Ayon sa author, "This is a small animation a did as an exercise to experiment and explore all the graphical possibilities of representing the idea of the SPHERE, always thinking in searching Gestalt and form. Its all done in 3d, but i was more interested in the graphical interest, flatten the surfaces, and only two colors, why more.

"The most difficult was to achieve the transitions between the different type of representation of the sphere, the morphing and metamorphosing."

Kung gusto pa ninyong matutunan For the description of the project, all these frames plus the frames from the scenes that weren't included, visit - http://www.behance.net/gallery/Spherikal/3565597 It was all done in Cinema 4d R13, all with the Mograph module. Comositing and post in After Effects Sound : Brand X Music

Friday, March 30, 2012

Pikon talo

Naging usap-usapan kamakailan kung paano tinarayan ni Asia's songbird Regine Velasquez ang isang Twitter follower nito dahil sa diumano'y bumabanat ng hindi maganda ukol sa anak nila ni comedian, singer, actor at father, sa muling pagkakataon, Ogie Alcasid.

Sa unang tingin ay masasabing nagawa niya ito dahil sa pagiging ina. Natural instinct ika nga. Kung ganitong lente ang gagamitin ay masasabing tama ang ginawa ni Regine.

Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit isinapubliko ng mag-asawang Regine at Ogie ang larawan ng kanilang anak. At ngayong kinakantiyawan ang histura ng kanyang anak ay magagalit siya. Mapipikon.

Thursday, March 29, 2012

Nelson Mandela at Google

Isa sa mga iniidolo kong lider ay si Nelson Mandela. Kaya natuwa ako noong makuha ang impormasyong may proyekto ang Google na i-digitize ang lahat ng impormasyon ukol sa freedeom fighter na ito.

Ito ay matatagpuan sa http://www.nelsonmandela.org/.

Monday, March 26, 2012

Cool video kontra nuclear power reactors

Collapsing Cooling Towers - YouTube:

'via Blog this'

Found this while surfing through my Reader Play. Ang ganda. This is about ending nuclear-powered electric plants as sources of energy

Naalala ko tuloy ang Bataan Nuclear Power Plant, na ginastusan ng ating pamahalaan ng bilyong bilyong piso pero naging white elephant lang.

Sunday, March 25, 2012

Bakasyon

Nakakapagtaka, Mahal na Araw na eh umuulan pa.

Parang masisira ang mga plano natin sa 2012 Summer Vacation.

Pero sa tingin ko OK lang dahil ayoko naman ng sobrang init. 'Yong tipong nakaupo ka lang ay pinagpapawisan ka.

Pero ano ba ang puwede nating gawain ngayong bakasyon?

Friday, March 23, 2012

Santo Manny


Naniniwala ako na kung hindi naging boksingero si Manny Pacquiao, siya ngayon ay isang pari.

Kung hindi man siya pari ay sa hinaharap malamang na maitakda pa siyang Santo ng Simbahang Katoliko.

Naisip ko na puwede siyang maging santo ng mga boksingero, dahil napakadelikado ng sport na ito. Ilang boksingero na ba ang namatay, hindi man sa ibabaw ng ring, ay pagkaraang makipagbasagan ng mukha.


Tuesday, March 20, 2012

Fuel poverty


Sa United Kingdom, Ireland at New Zealand may tinatawag na fuel poverty na ang kahulugan ay ang kahirapan upang mapainit ang tinitirahan tuwing tag-lamig.

Dito sa Pilipinas may fuel poverty din.

Pero kabaliktaran sa mga nabanggit na bansa, maraming Pinoy ang hirap upang mapalamig ang kanilang mga bahay tuwing tag-araw.

Una ay kahit gustuhin man ng mga Pinoy na gumamit ng airconditioning, hindi nila kakayanin dahil napakamahal nito para sa pangkaraniwang Pilipino. Idagdag pa ang gagastusin mo sa kuryente at tiyak mamumulubi ka.

Sunday, March 18, 2012

Feisty Cristy

Cristy Ramos
Maraming nagsasabing si Cristy Ramos ang anak na lalaking hindi naibigay ni Ming Ramos sa kanyang asawang si dating heneral at pangulong ng Pilipinas na si Fidel Ramos.

Nangungunang dahilan nito ay ang pagiging "matapang" ni Cristy at ito ang dahilan kung bakit siya binansagang Feisty Cristy.

Natatandaan ko pa noong panahon na pangulo siya ng Philippine Olympc Committee (POC) ay walang inurungang laban si Cristy, laluna ang mga bumabatikos sa kanya.


Thursday, March 15, 2012

Ang Sigaw

Isa sa mga sumikat na prints ni Norwegian artist Edvard Munch ay ang The Scream, na isang serye ng mga expressionist paintings. Ilang version ng The Scream ang ginawa ni Munch. May painted at pastel versions ang The Scream, ayon sa Wikipedia.

Dahil sa kasikatan nito, tinatayang aabot ng $80 million ang isang version nito kapag ito ay i-aunction.

Hindi po kayo nagkakamali sa presyo, $80 million o P3,440,000.000 bilyon sa palitang P43 kada isang dolyar.

Dahil sa kasikatan nito naging meme ito o isang popular art na ginagaya. Kamakailan ay ginaya ang The Scream base sa pagtatakip ng tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre noong siya ay sinesermonan ni Sen. Miriam Santiago sa idinaros na impeachment trial ni CJ Renato Corona.

Friday, March 9, 2012

Kasanayan


Here is a short video about a guy who makes banjo for a living. Kakaiba di ba?

Sa kasalukuyang panahon kasi, kapag ikaw ay nagsarili sa isang negosyo memenosin ka ng mga kaibigan, kukutsain ng mga kapamilya lalupa't  napakasimple ng bagay na iyong ginagawa pero hindi naman pinagkakaperahan ng malaki.

Sabi nga ay walang pera sa art unless na lang na pintor ka at namatay, siguradong tataas ang presyo ng iyong mga piyesa.

Sunday, March 4, 2012

Ermat

Kapag may dinaramdam ka sino ang naiisip mo  ?

Marami na kasing pagkakataon na kapag dinadapuan ako ng sakit, ang nanay ko ang naiisip ko. Automatic iyon. Naiisip ko agad si Ermat.

Sigurado kasing alam niya ang gagawain kung paano maiibsan ang nararamdaman ko. Iba talaga ang mga nanay, haplos lang ng kanilang mga palad ay parang nawawala na ang sakit na iyong nararamdaman.

Sa mga pagkakataong ganoon, mararamdaman mo kung gaano kahalaga ang iyong ina sa kabila ng mga isinusumbat nating pagkukulang niya.

Ayaw kasi natin ng pakialamerang nanay, madaldal na nanay, mataray na nanay o kaya ay istriktong nanay.

Naranasan kong lahat ito sa nanay ko. Nakikialam sa buhok ko, dinadakdakan ako kapag may mga ginawang iresponsable, tinatarayan kapag may mga pagkakamali at itinatama sa tingin niya ay wastong ugali.

Pero nong napaaway ka sino ba ang kakampi mo? Parang shock absorbers natin ang mga nanay, sila ang tumatanggap ng mga kaldag sa ating buhay di ba?


Wednesday, February 29, 2012

Quicky

Mahilig ako sa quicky. Pero hindi ito yong quicky na nasa isip mo, dahil kapag ang nasa isip mo ang quicky na gusto ko, dapat matagal.

He he he.

Pero, ang gusto kong mga quicky ay short films.

Marami nito sa internet at talaga namang nakakaingganya.

Nangunguna sa mga short films na gusto ko ay animated at may pamagat na One Minute Fly.


Friday, February 10, 2012

Presyo ng Hacienda Luisita, pang-Guinness World Record!!!

Sampung bilyon o P10,000,000,000.

Sa zeroes pa lang panalo na ang mga Cojuangco sa laki ng  hinihingi nilang kabayaran sa Hacienda Luisita, na binili ng mga ninuno nina Peping Cojuangco mula sa utang sa kaban ng bayan. Nangako ang mga Cojuangco na pagkatapos bilihin ay ipamamahagi ang mga lupa kaya sila pinautang ng pamahalaan.

Base sa ganitong halaga, lumalabas na P2,000,000 kada ektarya ang lupa ng mga Cojuangco, ayon sa Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (Katarungan).

Susmaryahosep!!! Kahit pagbalibaliktarin mo ang Bangko Sentral ay hindi kakayanin ang ganitong halaga.

Ano ba ang akala ng mga Cojuangco, mala-Bonifacio Global City ang dating ng Hacienda Luisita.

Aba, Hindi na ito simpleng negosyo, kaganidan na ito.

Ayon pa sa Katarungan, malaki pa ang halagang hinihinging kapalit ng mga Cojuangco sa total budget ng Department of Agrarian (DAR) para mabili ang 300,000 ektaryang ipapamahagi para sa 2012.

Thursday, February 9, 2012

Sapat ba ang pag-ibig?

Nagdadalawang isip ako na magsulat ng blog ukol sa Araw ng Puso o Valentine's day.

Malaking drama sa kaibuturan ng puso ko kung isusulat ko ito o hindi. Struggle talaga, parang rebolusyon.

Nagtagal tuloy as draft ang piyesang ito.

Aaminin kong hindi ako ang taong nagse-celebrate ng Valentine's Day. Pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ako nagmamahal.

Pero walang araw na pinipili ang pagmamahal ko, cheezzy ba?

At isa pa sa tingin ko ay hindi sapat na puro pag-ibig lang.

Kailangan may bumabalanse sa pag-ibig at base sa karanasan ito ay ang katarungan.

Tuesday, January 31, 2012

Pirata


"Good artists copy, great artists steal." Ito ang pamosong quotation mula sa yumaong si Steve Jobs, na kilala bilang founder ng Apple ang kumpanyang nagbigay sa mundo ng Machintosh computers, iPod, iPad, iPhone at iOS.

Nabanggit ito ni Steve Jobs dahil aminado siya na walang isang tao ang may monopolya sa ideya kung paano bumuo ng isang bagay. Kailangan niya ng ideya mula sa ibang tao upang makaimbento ng isang bagay.

Monday, January 30, 2012

Digital rights


Dapat bang magbitiw ni Sec. Ronald Llamas dahil sa pamimili ng pirated DVDs?

Puwede ko itong sagutin ng pabalagbag sa sabihing bakit ka magre-resign sa isang bagay na ginagawa ng marami?  Puwede ko ring sabihing jologs lang gumagawa niyan kasi puwede ka namang mag-download, he he he.

Pero bago natin sagutin iyan ay pag-usapan muna natin ang basehan ng isinusumbat kay Sec. Llamas na diumano’y paglabag sa batas na bumbalot sa “intellectual property right”. At upang maintindihan natin ang isyu, kailangang maintindihan muna natin kung ano ang sinasabing “intellectual property right” o IPR. Saan ba ito nagsimula? Paano ito ginagamit upang maprotektahan diumano ang “inventors” at kumpanya na gumagastos sa research upang makabuo ng bagong teknolohiya, sangkap, gamit, gamot, pelikula, at awitin.

Friday, January 27, 2012

Philip Pestano case at ang Akbayan

Tinanggap ng mga magulang ni Philip na sina Evelyn (gitna) at Felipe
 (ikalawa sa kanan) ang award mula kay dating Akbayan rep. Risa Hontiveros (ika-2 
sa kaliwa) at Akbayan chair Perci Cerdana (dulong kaliwa) ang parangal 
sa kabayanihan ng kanilang anak nitong Enero 23 sa14th founding annviersary ng 
 Akbayan Party  na idinaos sa Quezon City Sports Club. (larawan ni Nando Jamolin)
NITONG nakarang Enero 23, 2012 ay pinarangalan ng Akbayan Party ng posthumous award si Philippine navy ensign Philip Pestano dahil sa kanyang kabayanihan 16 na taon na ang nakakaraan.

Hindi pinirmahan ni Philip ang karga ng BRB Bacolod City dahil natuklasan niyang ang kargada ng barko ay kahoy na illegal na tinroso, sako-sakong shabu na nagkakahalaga ng milyon- milyong piso at mga armas na ibebenta sa Abu Sayyaf.

Si Philip ang cargo master ng nabanggit na barko at kaysa makipagkutsabaan sa mga opisyal ng navy na malamang nais patabain ang kanilang mga wallet ay hindi niya pinirmahin ang mga hindi deklaradong kargamento.

Tuesday, January 17, 2012

Ang Reyna at ang Corona


Larawan mula sa spot.ph
Kung ang impeachment proceeding upang mapatalsik si Chief Justice ay isang chess, maituturing na kaya nais ma-check mate si Renato Corona ay upang makain ang Reyna, na walang iba kungdi si Gloria Macapagal-Arroyo.

Huwag nating kalimutan na kaya sinusubukang mapatalsik si Corona ay dahil dinidepensahan niya si Reyna Gloria, na kasalukuyang nagbabakasyon sa veterans hospital.

Oo, na-immobilize na si GMA pero hindi ibig sabihin ay naigupo na siya. At kung magpapatuloy ang paglitis sa dating pangulong itinuturing na mas masahol pa sa yumaong diktador na si Marcos kung ang usapin ay kabuktutuan sa pamamahala, tila suntok sa buwang mahahatulan ito dahil ang nakaupo nga sa Korte Suprema ay pawang mga tauhan ni GMA, na inisyuhan ng arrest warrant dahil salang electoral sabotage.

Monday, January 16, 2012

Corona Impeachment Infographics

Para sa mga tagasunod ng blog na ito, ipinapaskil ko rito ang isang infographics upang mas lalo nating maintidihan ang makasaysayang impeachment case laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Galing sa webpage na ito ang infographics na inaasahang makakatulong sa mga sumusubaybay sa impechment ni Corona na kilalang kabaro ng kasalukuyang "nagbabakasyong" si Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sana ay hindi lang sila maging magkabaro forever kungdi maging magkakosa rin.

Tuesday, January 10, 2012

Nakakatindig balahibo

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mga taga-Pandacan nang  ginawa nilang Hermana Mayor ang asawa ng dating diktador at human rights violator na si Ferdinand Marcos.

Makikita sa larawan sa itaas ang screenshot ng mypandacan.com at doon ay tila ipinangangalandakan pa na si Imelda, ang Ina ng Diktadura sa binansagang Conjugal Dictatorship at ngayon ay kinatawan ng Ilocos sa Mababang Kapulungan, ay kasama nila sa larawan.

Tumayo ang balahibo ko. Nanlaki ang mata ko. At napamura ako ng "EntengInaNyo" nang tumambad sa akin ang larawan ito. Sigurado ako na kung buhay si Fr. Jacinto Zamora, ang isa sa binansagang GomBurZa at taal na Pandaqueno, ay malamang binaston niya ang mga taga-Pandacan. Kasama ni Fr. Zamora sina Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Mariano Gomez na ginarote ng mga Kastila dahil kasama sila sa mga naghimagsik laban sa mga mananakop.

Sunday, January 8, 2012

Philippine coffee



Nagpapasalamat ako sa aking ama dahil tinuruan niya akong magkape. Nagsimula iyon noong nagpapatimpla siya ng instant coffee. Siyempre, tinitikman ko muna upang malasahan kung ayos na sa panlasa niya.

Dahil sa aking pagiging masunurin, nakabuo ako ng sariling panlasa sa kape at kung paano ito titimplahin.

Pero nagsimula akong mag-aral ukol sa kape nang buksan ng isang kaibigan ang aking pag-iisip na ang instant coffee ay itinuturing ng mga talagang mahihilig sa kape bilang "kalawang", hindi dahil sa kulay at lasa nito kungdi dahil sa dami ng chemicals sa instant coffee.

Monday, January 2, 2012

Antipolo at Komersiyalismo


Sa wakas, nakarating na rin ako sa Antipolo. Hindi dahil isa akong deboto, kungdi kasama ito sa listahan ng mga nais kong puntahan. Sabi nga ng lumang awitin, "Tayo na sa Antipolo at doon..."

At pagkatapos ng napakahabang panahon, narating ko rin ang pamosong lungsod.. Pero kaysa matuwa ay tila nalungkot ako dahil ang Antipolo sa awitin ay kakaiba sa aking nasaksihan. 

Thursday, December 29, 2011

Wish ko sa Year of the Dragon


Year of the Dragon daw ang 2012. Parang nakakatakot pero interesting din naman. Nakakatakot kapag literal mong iisipin na may mga dragon kang kakalabanin sa 2012. Interesting kapag ang naisip mong dragon ay ang mga napanood mo sa movies o TV.

Itong 2011 na tinaguriang Year of the Rabbit ay dumaan na parang WALA LANG. Dumaan lang. Parang walang nangyari.

Pero masasabi ring dumaan ito na may nakita tayong mga pagbabago.

Thursday, December 15, 2011

Bastardong Hurado si Renato


Matalas ang dila, matapang na pananalita. Tila isang kanto boy na nanghahamon.

At ginaya pa ni Chief Justice Renato Corona ang istilo ni PNoy. Nagtalumpati sa wikang Pilipino.

Pero tila hindi kumagat ang drama ng mahaderong hurado. Kaysa makakuha ng simpatiya, mukhang lalo pa itong kinutya at pinagpiyestahan ng batikos.

Tuesday, December 13, 2011

Unholy Trinity

Unholy Trinity: Gloria, Merci, Corona
Hindi ko pa rin makapa sa dulo ng dila ko kung ano ang itatawag kay President Noynoy Aquino.

Isa ba siyang matipunong pangulong handang ipaglaban ang kapakanan ng bansa o gumagawa lang siya ng alingasngas upang maipakitang seryoso siyang maipatupad ang kanyang pangako noong halalan?

Isa ba siyang masugid na agent of change na ang hangarin ay walisin ang mga gahaman sa pamahalaan?

Tuesday, November 29, 2011

#jailGMA


Dumadami ang gumagamit ng hashtag na #jailGMA.

Hindi ito nakakasorpresa dahil maliban sa kanyang kapamilya at kapuso, kasama na marahil ang kanyang mga abogago, este, abogado, ay wala naman talagang nagnanais makitang si Gloria Macapagal-Arroyo ay nakakulong sa kanyang P50,000/day hospital suite.

Thursday, November 24, 2011

Bakit kailangang labanan si Lucio Tan at Pal management



Mula ngayon at hanggang hindi natitinag ang PAL management sa kanilang pananamantala sa manggagawa ng PAL ay hindi ako magbo-book sa nasabing airline. 

Bakit?

Ito ay hindi para sa akin, kung hindi para sa lahat ng kapwa ko Pilipinong manggagawa at sa mga susunod pang henerasyon.

Ayokong isiping kapag nakatapos ang aking anak sa kolehiyo ay isang unsecured job ang kanyang mapapasukan. 

Oo hindi naman siguro sa PAL magtatrabaho ang anak ko.

Pero ang isinisimbolo ng PAL at ang ginagawa nito ay maaaring pamarisan ng ibang kumpanya. 

Nangangahulugan ito na kung hindi masusupil ang PAL at ibang kumpanya tulad ng SM, Robinsons, na puro kontraktuwal ang manggagawa, malamang na unsecured job din ang makuha ng anak ko.

Kung magkaganito, ano ang kinabukasang naghihintay sa kanya? At sa milyon-milyong Pilipino na sa ngayon ay hirap maghanap ng mga trabahong makapagbibigay sa kanila ng magandang kinabukasan.

Narito sa ibaba ang panawagan ng PALEA at ilan pang kadahilanan kung bakit dapat i-boycott ang PAL.



Support PAL Employees and Families
Put pressure on PAL to open negotiations with PALEA to end the labor dispute
Do not fly PAL and AirPhil until the PALEA’s demand for employees to return to their regular jobs are met.

5 Reasons to Boycott PAL and AirPhil

1. Corporate greed: PAL retrenched 2,600 employees despite earning more than PhP 3 billion last year. For every PAL employee turned into a contractual in the service providers, Lucio Tan and PAL earn PhP 4 million for the next ten years or more than PhP 10 billion for all 2,600 employees affected. Lucio Tan is the second richest Pinoy but wants to get even wealthier via contractualization.

2. Union busting: PALEA has sacrificed for the last 13 years with the suspension in collective bargaining negotiations, from which PAL has benefited by an early exit from rehabilitation. But when negotiations were due to start in 2009, PAL announced the outsourcing plan which resulted in the terminated of 70% of PALEA’s membership and 60% of its leadership.

3. Human rights violations: PALEA members protesting the outsourcing plan last September 27 were forcibly evicted from Terminal 2 and other PAL offices leading to injuries to employees including women who were bodily taken out by PAL security guards. Further, two attempts have been made to violently disperse the PALEA protest camp. The latest daybreak attack led to injuries to seven PALEA members and the arrest of one of the hired goons who confessed to been paid by management.

4. Labor code violations: The latest among the many violations of the Labor Code by PAL and Lucio Tan exposed during the labor dispute is that the supposed independent service providers Sky Logistics and Sky Kitchen are actually illegal labor-only contractors. These dummy companies do not have its own equipment and depend upon facilities of PAL such as the In-Flight Center.

5. Safety and service compromised: Untrained and overworked scabs are now operating PAL flights resulting in numerous complaints by passengers over delays, disruptions and deterioration in service. Long lines at check-in counters and food in lunch boxes are some obvious examples. Further, unlicensed and inexperienced trainees working the ground handling are a flight risk.

If Lucio Tan succeeds in contractualization at PAL, our jobs are next.

Ang laban ng PALEA ay laban ng lahat!
Defend Job Security at PAL. Promote Regular Jobs for All.


Wednesday, November 23, 2011

Ang ayaw may dahilan, ang gusto may paraan


Naka-hospital arrest ngayon si Gloria Macapagal-Arroyo. Pero bago siya inaresto ay sinubukan niyang makatakas patungo sa ibang bansa upang ipagamot ang kanyang karamdamang indocrine disorder.

Pero isa ako sa naniniwalang ginagamit lamang ito ni GMA upang maka-eskapo at nagpapasalamat din ako sa ginawa ni Sec. De Lima na pagpigil na makalipad palabas ng bansa ang dating pangulong itinuturing na pinaka-corrupt sa kasaysayan ng Pilipinas.

Sabi nga ng lolo ko ang taong "may ayaw may dahilan at kung gusto may paraan."

Sinabi pa ng lolo ko na ang taong sinungaling kapatid ng magnanakaw. Pero sa tantiya ko pamilya ng magnanakaw ang mga Arroyo. Nasangkot sa anomalya ang asawa ni Gloria na si Atty. Mike Arroyo, ganun din ang anak nilang si Mikey, na tinutugis naman ng Bureau of Internal Revenue dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Dahil nga maituturing na mga kawatan, kaya't naniniwala akong tama ang pagkontra ni Akbayan Party Rep. Kaka Bag-ao na pigilin ang mga kaalyado ni GMA na gawaing "shelter" ang Mababang Kapulungan para sa inuusig na si Gloria.

“The people’s right to justice must take precedence over the right of a single individual. The Minority should stop treating this House as if it were a shelter for crooks, plunderers, and criminals,” wika ni Rep. Bag-ao.

“If there is anything that needs protection from this august chamber, it is the rule of law that is now being bastardized by the machinations of the people that GMA has put in key positions during her incumbency as president,” dagdag ni Rep. Bag-ao.

Tama hindi nga naman dapat gamiting kanlungan ng mga mandarambong at kriminal ang Mababang Kapulunga!!!




Mangingisda, nalulunod




Nalulunod sa nakaliliyo at naglalakihang alingasngas na balita ang kasalukuyang kalagayan ng mga mangingisda sa Pilipinas.

Bagamat may mga batas tayo upang sumusuporta sa mga mangingisda, na siyang naghahatid ng mga talakitok, lapulapu, tuna, galunggong, mayamaya at iba pang isda sa ating hapag kainan, masasabing hindi naman ito naipapatupad.

Hindi rin nakakatulong sa mangingisda ang paglalagay ng mga fishpens sa iba't ibang lugar sa ating karagatan dahil tanging mayayamang negosyante lamang ang may kayang mangapital sa mga katulad nito.

Tuesday, November 22, 2011

Mugshots ni GMA

Ang mga mugshot na ito ay mula sa mugshots.com

Makikita ang mga mugshots ni GMA sa itaas. Ito ay mula sa mugshots.com, isang website na ang niche ay mag-post ng mga mugshots ng mga kilalang tao sa buong mundo.

Hindi ko alam kung paano nakuha ng website ang mga larawang ito. Pero alam naman ng karamihan na ang mga larawan ay nabibili upang mailagay sa mga tulad nitong websites.

Monday, November 21, 2011

GMA dapat mag-resign o suspendihin


Ngayong naaresto na si Gloria Macapagal-Arroyo, dapat na siyang magbitiw bilang kinatawan ng kanyang distrito sa Pampanga.

O kung hindi man siya magbibitiw bilang kongresita ay dapat siyang suspendihin.

Simple lang naman ang dahilan eh.

Kung talagang may sakit siya at dapat niyang magpatingin at magpagamot, dapat ang inuna niya ay ang pagbibitiw upang makapamili ng papalit sa kanya bilang kinatawan ng kanyang distrito at constituents.

Monday, November 14, 2011

Karma ni GMA


Karma? Ito na kaya ang nararanasan ni Gloria Macapagal-Arroyo at ng kanyang pamilya?

Bago natin ito sagutin, alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng karma. Ayon sa isang wikipedia article, ang literal na kahulugan ng karma ay mga "gawa" o "kilos" pero hindi lamang sa pisikal kungdi maging sa pag-iisip at salita.

Ito ay nangangahulugan din na ang bawat kilos natin ay may kaakibat ding kontra kilos. Mas madaling maintindihan ito sa paliwanag na "Kung ano ang itinanim, ito ang iyong aanihin."

Samakatuwid mga repapips, inaani na kaya ni Gloria ang bunga ng kanyang mga itinanim? Ano-ano ba ang masasabi nating "itinanim" ni Gloria at bakit masasabi nating nakakarma siya?

World's most expensive photo

Kopya ng Rhine II (larawan mula sa BBC)

Nagkakahalaga ng P187,813,665 ($4.3m) ang larawan na nakikita ninyo sa itaas. Ang imahe ay photograph ni German artist Andreas Gursky at nabili ito sa nasabing halaga ng isang German collector, ayon sa British Broadcasting Company, sa isang auction ng Christies ng New York.


Kuha ito ni Gursky noong 1999 at ginawang digital image upang maalis ang ilang bagay sa photograph na aniya'y nakakasira sa picture.
Ipinaliwanag ni Gursky na  "a particular place with a view over the Rhine which has somehow always fascinated me, but it didn't suffice for a picture as it basically constituted only part of a picture".
"In the end I decided to digitalise the pictures and leave out the elements that bothered me," aniya. 


Monday pixels-Jeepney photo shoots

Texting, one of the things you can do inside the jeepney...

Anong ginagawa mo kapag bumibiyahe sa jeep? May ilang pasahero, kung hindi kabisado ang ruta ay nakatutok sa dinadaanan ng jeep upang maiwasang  malampasan ang bababaan.

May ilan naman na busy sa pagte-text habang sinasamantala ng iba ang pagkakataon upang makaidlip. Karaniwan ay sumasakay sa jeep upang makarating sa paaralan, pinapasukang opisina at sa marami pang kadahilanan. 

Jeepney pa rin naman ang pinakamurang pamamaraan ng transportasyon sa ating bansa at hindi maikakaila na ito pa rin ang pinakamadali at pinakamabilis na sakyan pagkaraan ng bus o taxi.

Friday, November 4, 2011

Pinoy, paano ka na ngayon?


Bilang tugon sa desisyon ng pamahalaang PNoy na itigil ang pagpapadala ng Pinoy workers sa ilang piling bansa na hindi umano nakakatugon sa Republic Act 10022 o sa Migrant Workers and Overseaas Filipinos Act of 1995, nagsulat ang isang OFW na nangangalang Lito Nucum sa http://thefilipinomigrants.blogspot.com/ ngkanyang komento ukol sa usaping ito.

Basahin ang kanyang pananaw sa hakbang na ito ni PNoy.

Saturday, October 29, 2011

From GenSan to Lake Sebu, road pictures

The signs are on the wall...habang ginagawa moa ng dapat mong gawain.
Found this inside the newly-built and launched Surallah terminal
Additional pictures I took on my way to Lake Sebu from Gen. Santos City. Had a great time. The journey was worth it. To visit Lake Sebu from GenSan, take a bus to Marbel and from there take another bus to Surallah. At Surallah, you could negotiate for a "Skylab" to take you to Lake Sebu. Or you can take a van from Surallah to Lake Sebu.

Lake Sebu sights and pixels

An example of the vibrant colors of Lake Sebu.
Here are more pictures which I shoot during my visit to Lake Sebu. The place is just beautiful, the people polite. And you can eat the best tilapia/plapla harvested from fish pens in the lake. 

Lake Sebu Falls


I recently visited Lake Sebu in South Cotabato and was amazed by the water falls in the municipality known for its Tiboli culture. There are seven falls in the area but my schedule permitted me to visit just two of the eye-catching,  breathe-taking sights.

Monday, October 24, 2011

Utak pulbura

Larawan mula sa www.jdslanka.org.
Narinig na natin ang katagang "utak wang-wang". Ayon kay PNoy, ito ang mga taong ipinagmamayabang sa pamamagitan ng paggamit ng wang-wang o sirena ang kanilang posisyon sa pamahalaan. Kaya nga noong si PNoy ay naupo sa puwesto ay kaagad niyang ipinagbawal ito.

Cotabato City, green sights and blue skies


During my recent sojourn in Moro land, particularly in Cotabato City, I had the chance of visiting the Sultan Hassanal Bolkiah Masjid, which according to MindaNews is the grandest in the Philippines.

Monday, October 17, 2011

Monday Photos - Sultan Mastura, Maguindanao

Blazing sunset showers the rice fields and coconut plantations.

I travelled recently to Sultan Mastura in the Province of Maguindanao  in the southern part of the Philippines. It was noticeably peaceful with people trying to live their lives to the fullest. Here are some of what nature offer visitors in the municipality.

Saturday, October 15, 2011

Occupy the Supreme Court

Ang larawan ay mula sa RT.com
Patuloy ang Occupy Wall Street (OWS) protest sa Estados Unidos at hindi lamang ito ginagawa ngayon sa Wall St. sa New York City. Lumawak na ito sa maraming lungsod sa US at maging sa ibang panig ng mundo.

Saturday, October 8, 2011

Ilibing ang EPIRA


Nakuryente ka na ba?

Ito ang seryosong pinag-usapan namin ng mga katropa nitong mga nakaraang araw. Pero hindi ang usaping nanginig ka ba nung makuryente o naunat ba ang buhok mo nang madali ng mataas na boltahe.